Flashdrive

Plug in, Play and Get Busy

For Korex: Naudlot na Pagibig

with 2 comments

Dear Ate Charo,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang “Korex”. Ninais kong kumatha ng liham upang makadaupang palad sana ang una kong pagibig, si Dianne.

Si Dianne ay kaklase ko dati sa Taekwondo (basagan ng mukha gamit ang paa, tuhod at minsan pag sinuswerte, talampakan, nagmula sa lupain ng mga umawit ng “Nobody nobody but you” iGoogle mo ate Charo, tiyak mapapaindak ka).

Madalas tuwing bakasyon nagkakasabay kami sa pagpapalista at pagpasok sa nasabing gawain kapag tag init. Maliban sa Taekwondo kasi, panimulang introduksyon sa pag gagantsilyo lang ang natitirang pagpilian sa lugar namin. Kaya maiintindihan nyo kung bakit Taekwondo ang pinili ko (Eksperto na po ako sa pag gagantsilyo).

Una kong napansin ang mapungay nyang mga mata, mga makinis niyang kamay at ang kanyang malumanay na pamamaraan na pagsasalita. Naalala ko din kapag kami ang magkapareha. Nawawala lahat ng mga pagsasalarawan ko sa kanyang pag uugali kapag sinasaktan na nya ko sa tinatawag na “Sparring” o dalawahang ensayo sa pagbababasag ng mukha gamit ang paa.

Gayunpaman, tiniis ko lahat ng sakit at nagpursigi na balang araw masuklian ang pagtanggap ko sakit ng katawan ng pagtingin mula sa kanya. Sa mga panahong iyon., maligaya ako dahil ako ang sinasaktan nya at hindi iba.

Umasa ako ngunit nabigo Ate Charo.

Lumipas at nagdaan ang Tag-init, naghilom ang mga sugat at pasa ko ngunit di na siya bumalik sa Taekwondo…. Hindi ko na nasilayan pa ang maamong mukha at paa (madalas ito lang nakikita ko ng malapitan bago tumama sa sintido ko) ni Dianne.

Hanggang ngayon, Maraming mga katanungan ang bumabagabag sa aking kaisipan Ate Charo

1. Nasan na kaya si Dianne?
2. Nagkanobyo na kaya siya at pinagbawalang lumahok sa Taekwondo?
3. Nangibangbayan na kaya siya?
4. Pag nagkita kami maari ko pa rin ba siyang batiin ng “Ay, Hi Classmate!” (sabay kindat at dila sa labi)

Mahirap aminin ngunit hanggang ngayon sumasagi pa rin sa aking isipan ang mga maaaring nangyari kung nagkausap, nagkamabutihan at nagkatuluyan.

Sa ngayon, napapawi ang hapdi at kirot ng naudlot na pagmamahalan kapag ibinubuhos ko ang aking pagtingin, oras at laman ng kartamoneda’t bulsikot kay Numero “12”.

Gumagalang,

Korex

Advertisements

Written by flashdrive

May 4, 2010 at 7:42 pm

Posted in Stuff of 99'

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. LOL

    Korax

    July 26, 2010 at 10:33 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: